Friday, February 18, 2005
3rd floor...
dito ang tahanan namin sa De la Salle University Health Sciences Campus, Ang College of Physical Therapy. dito nagsimula ang lahat. matapos mong mapasa ang ahse at intro to anatomy at ang dreaded quali. Pt-proper ka na. nakaputi ka na may karapatan ka ng dumaan sa hallway ng 3rd floor. marami kang makikita at mararanasan sa munti naming mundo.
ang hallway- ang tanging daanan namin papuntang canteen at pauwi. Tambayan after a lecture. ginagawang track and field kapag pracs, kailangan mo kasing tumakbo para hindi maubos ang oras mo. Favorite past time ko ang tumambay sa hallway kahit na 1 o 2 oras ka dito ayos lang kasi naman marami ka dito makikita. Huwag ka lang makita ni Dra. Santos dito lagot ka baka matanung ka nang circle of willis.
ang mga lecture halls- by batch kasi ang lecture ng mga medical doctors namin. so lahat na ng pwedeng position sa upuan mo ginagawa mo na sa sobrang tagal ninyong naka-upo biro mo isang oras hanggang dalawa malas mo lang kapag mahaba ang topic may extension pa. Lahat na yata ng pressure relieving position alam mo na. samahan mo ng mga aircons na minsan malamig at minsan sobrang init. sabayan pa ng pagpatay ng ilaw para makita mo ng mabuti ang mga nakasulat sa projector. kaya naman favorite ito ng mga taong gusto ng dilim, makikita mong isa isa ng silang nahihibing at ung iba kulang na lang gawing ka unan at mahulog na sa kinauupuan nila. para sa mga seryoso aalamin mo ang kung anu anung method para lang maalis ang antok mo, nandiyan n yang magpapakurot ka sa katabi mo, magbabasa ka ng malamig na tubig sa mga mata mo, at ang walang sawang pag-doodles sa likod ng notebook at pagflirt sa katabi mo.
ang mga prelec at postlec quiz- bago magsimula ang class namin, kailangan na muna i-test kung ikaw ba ay nagbasa o nag-aral ka sa topic for that day kasi kung indi bokya ka sa quiz ninyo, pero ang hindi ko lang maintidinhan e nagbasa ka naman tapos kapag nagbigay sila ng quiz hindi mo alam kung saang lupalop nila ito kinuha. maiiyak ka na lang sa isan tabi.
ang linyang "pens-up, pass your paper"- dapat nailagay mo na ung sagot mo kung indi.. tsk tsk you doom.
ang 1/4 yellow pad- na dapat tama ang paglagay mo ng name and section and date kung indi minus ka. ginagamit din ito sa walang katapusang roll call kapag pracs. kaya dapat meron kang one-year supply ng yellow pad at para din sa mga parasites na katulad ko.
ang mga super-friends- sila ang mga professors namin. sabay-sabay silang papasok sa room kapag magsisimula na ang quiz. sila ang manghuhuli na mga kumokopya sa klase, sa dami ba naman nila ewan ko kung may makalusot, malay natin.
ang batengteng- ito ang famous music sa hallway, kapag narinig mo ito alam mo ng may pracs, kapag first time mong magpracs, at sinabayan pa nito parang ito na ang huling araw mo sa mundo.
ang kines uniform- kapag nakasuot ka na nito, certified pt-proper ka na, dito ka magkakaroon ng awareness sa itsura mo, panu sleeveless kasi ito at ginagamit ito kapag may laboratory exercises kami lahat ng mga tinatago mo dati makikita na ng mga 10 hanggang 20 o malas mo lang, ang buong batch.
ang mga salitang oc-oc at toxic- ito ang maririnig mo sa mga pt-proper, ang oc-oc ay mga student na mga baliw at halimaw dahil sa kaka-aral nila, ang toxic naman ang tawag sa mga bagay na sobrang hirap at hindi mo alam kung anu ang uunahin sa sobrang dami nila.
ang pracs- dito nasusukat kung may natutunan ka. ito ay ginagawa kapag natapos na ang isang lecture. lahat ng idinemo ng professor mo, gagawin mo rin, at ikaw mismo ang magiging biktima ng mga pagkakamali nila in short guinea pig ang labas mo dito. sasakit ang tiyan mo sa kakatawa dahil sa mga pinaggagawa mo, bigla ka na lang mag-iisip, tinuro ba un?
yan ang buhay pt, mahirap pero masaya... kung babalikan mo lahat ngayon.. mapapangiti ka!
alam kong kulang pa ito sa tagal ng paglalakbay na tinahak ko...
ito marahil ang mga alaalang naiwan sa akin ng masasayang nakaraan ng naging pt-proper ako...