Sunday, September 18, 2005

 

sa tindahan ni tita carmen

sa tindahan ni tita carmen ako madalas tumambay, magpalipas ng oras at makipagkwentuhan. "pahingi nga po nito tita carmen!" iyan ang parating kong sambit kapag ako'y nasa tapat na ng kanyang tindahan. Lalabas si tita carmen mula sa kanyang kusina upang ako'y pagbilhan. Bubungad sa akin ang kanyang mga ngiti sabay sabi "teacher kat anong hanap mo?". Sa mga ngiting iyon, nakakagaan ng loob kahit alam mong pagod ka na bale wala ang pagod na nararamdaman mo kasi may panibago kang sigla na dala sa patuloy na pag-agos ng oras.

Ninais kong umupo muna sa may tindahan niya habang tinatapos ko ang aking pagkain. Ako ay naaliw sa aking nakita, animoy isang tagpo sa pelikula ang aking nasaksihan parang nanonood ako ng sine at libre pa. Dito ko namalas ang iba't ibat mundo, ibat ibang mukha, ibat ibang istorya. Istorya na pinagbibidahan ng ating mga nanay at kasamahan natin sa bahay.

Istorya na pinagbibidahan ni inay. Ang kanilang ginagawa araw-araw ay ang maghintay sa kanilang mga anak hanggang uwian. Makikita mo ang ibat ibang klase ng mga nanay dito.

Kahit na may mga sari-sarili silang mga karakter, iisa lang naman ang dahilan kung bakit sila nagpapakapagod araw-araw na maghatid at magsundo, magprepare ng baon, ng mga kailangan natin sa eskwela at kung anu-ano pa. Ito ay ang pagmamahal nila sa iyo at sa akin at maging sa kanilang mga asawa. Ang pagiging isang Ina ay hindi natutunan sa eskwelahan, magtraining ka man sa lahat ng puwedeng pasukan, mag-aral ka man sa lahat ng matitino at kilalang eskwelahan hindi mo ito matutuna. Wala nga rin itong crash course na kapag kailangan mo lang at mag-enroll ka pagkatapos ng buwan may certificate ka ng makukuha. Naniniwala ako na ang pagiging isang Ina ay isang bokasyon na dapat handa kang gampanan ng buong puso at walang hinihintay na kapalit, ito ay isang malaking sakripisyo na kaya mong dalhin sa iyong buong buhay at pagkatao hindi ito isang role lamang sa pelikula na kung ayaw mo puwede mong palitan hindi rin ito parang kanin na kapag na paso ka puwedeng mong iluwa. Ito ay pinaghahandaan at pinag-iisipan ng mabuti kung talagang kaya mo na ibigay ang buong buhay mo para sa iba. Kaya para sa mga babae na katulad ko hinay-hinay po tayo pag-isipan ang bawat naisin nating gawin hindi lamang puro emosyon ang gamitin baka ang isang gabi ng ligaya ay mauwi sa habang buhay na sakripisyo na ikaw lamang ang puwedeng gumawa at wala ng iba.

Pagkatapos ng maikling tagpo sa kwento ng buhay na pinagbibidahan ng ating mga nanay. Tumungo naman tayo sa istorya ng ating mga kasamahan sa bahay. Na pinagbibidahan nina ate, nemfa, jurella, inday, simang...

Sila ang mga taong nagtyatyaga sa atin na tumulong sa pang-araw-araw na gawain sa bahay. Kung wala sila malamang losyang na losyang na ang ating mga ina. Sila ang kumukuha ng lahat ng trabaho na hindi na kayang gawin ni Inay o hindi talaga niya alam gawin. Tapos sasabayan pa ng pag-aalaga ng hindi naman nila anak, biro mo iyon minsan halos sila na ang pagpalaki sa iyo at sa akin dahil ang ating mga nanay at tatay ay nasa trabaho. Sila na minsan ang tumatayong nanay at tatay mo kapag ang iyong mga magulang ay nagtatrabaho at naiiwan ka sa kanya sa buong buhay mo. Syempre dahil siya ang kasakasama mo sa buong magdamang mas kilala ka pa ni ate, nemfa, jurella, inday at simang kaysa sa nanay at tatay mo kung ano ang gusto mo, kung bakit ka umiiyak, ano ang nakakapagpasaya sa iyo, ano ang paborito mong pagkain, damit, pinapanood sa t.v. maging kung ano ang nagpapasakit ng tiyan mo at kung bakit matigas o malambot at tae mo. Araw-araw na ginawa ng Diyos pinagsisilbihan ka nila. Hindi makapagreklamo kasi nga naman ito lang ang natatanging paraan para mabuhay nila ang kanilang pamilya. Kaya naman nakakalungkot isipin na merong mga maiitim ang budhi ang nang-aalipusta sa kanila, sinasaktan, tinatratong parang mga hayop, inaabuso maging pinapatay. Hindi ba nila iniisip na kung wala ang mga kagaya nila hindi gagaan ang mga gawain ni inay, walang magbabantay sa mga anak na ang mga nanay at tatay ay kailangan kumayod, walang aagapay sa pang-araw-araw na gawain. Oo nga mayroon ding mga katulong na masama rin ang ipinakikita sa kanilang mga amo hindi rin natin sila masisi kasi mayroong mga dahilan kung bakit sila nagkakaganoon. Siguro maganda na ibahin natin ang konsepto tungkol sa kanila, itrato natin sila hindi bilang mga katulong bagamat mga kasama natin sa bahay, miyembro ng pamilya hindi lang basta sinusuwelduhan natin sila ay puwede na natin gawin ang naisin natin gawin nakakalimutan natin na sila rin ay isang indibidwal na may mga pangagailangan at karapatan huwag nating abusuhin. Mabuhay ka ate, nemfa, jurella, inday at simang kung wala kayo malamang hindi ayos ang mundo ko.

Sa mga kwentong napanood highest grossers ito sa takilya dahil ito ay sumasalamin sa ating tunay na buhay na patuloy na iikot, na patuloy na makakapagbibigay sa atin ng aral, na patuloy na makapagbibigay sa atin ng inspirasyon na mabuhay...

sarap tumambay sa tindahan ni tita carmen... sama ka!...


Wednesday, September 07, 2005

 

tagaytay trip

3 years na ata bago ulit ako nakarating ng tagaytay. Biro mo iyon ang tagal na pala. Ang dami ng nangyari sa buhay ko. Muli ko ulit na silayan at naramdaman ang lamig ng tagaytay. Ang saaarraaap!

reminiscing to the max naman ang lola mo. Paano kapag na announce na walang pasok, wooohooo! diretso kaming ng tagaytay at strolling to the max ang drama... ang pacoffee-coffee sa starbucks tagaytay iba kasi ang ambience doon malamig tapos ang ganda ng view habang umiinom ka ng mainit na kape. MTV ang dating o di kaya isang commercial sa t.v., hahaha! all the kalokohan together.

Nagkasundo po kasi ang barkada na every first saturday of the month magsisimba together. First stop po ang Pink Sister sa Tagaytay. Doon kami unang sumaklolo para sa aming nanalapit board exam. Walang impossible sa Diyos sobrang living proof ako dyan. Syempre dapat sa kanya tayo unang humingi ng tulong kasi sa Kanya naman nagmumula ang lahat at Sya rin ang nakakaalam kung kailan Niya ito ibibigay sa iyo. Bumalik ulit kami doon upang magpasalamat sa mga biyayang aming natatanggap ngayon para sa aming mga career at mga personal na hangarin sa buhay. Usal ng pasasalamat sa lahat na ginawa Niya para sa akin, sa walang sawang pakikinig sa aking mga dasal at sa walang sawang pagpapatnubay kung saan man mapunta ang aking mga paa.

Pagkatapos po noon direstso kami for a dinner at leslies restaurant... Food galore ang trip, ayun order ng food.. masarap ang food and ang service okey naman po pero sa rating ko kasi ung order namin na bulalo na house specialty nila hindi masyado masarap katulad nung kinainan namin na resto sa may Silang, Cavite na pag-aari ng isang naming batchmate doon talaga sobrang sarap ng bulalo so far wala pa tatalo sa bulalo ng GLO-Ann's, tapos ung order naming sizzling pusit na appetizer nila mas masarap pa rin ang pusit ng Gerry's grill credit for their service i give them 8 spoons, 1-lowest and 10-highest. Meron po silang kumakanta pumupunta table by table parang sa Singing Cooks and Waitress, patapos na kaming kumain ng dumating sila sa table namin 3 songs ung puwede na i-request ang first na request namin ay ung Manila..

80's backtrack tayo... hehehe;o) halatang matatanda na

Habang tinutugtog ito sabayan ng pa-sway sway ng katawan at pitik ng mga daliri ;o)

Manila

by rene garcia/dennis garcia

Maraming beses na kitang nilayasan Iniwanan at iba ang pinuntahan Parang babaeng mahirap talagang malimutan Ikaw lamang ang aking laging binabalikan Manila, Manila I keep coming back to Manila Simply no place like Manila, Manila I'm coming home

I've walked the streets of San Francisco

I've tried the rides in Disneyland
Dated a million girls in Sydney
Somehow I feel like I don't belong

Hinahanap-hanap kita, Manila Ang ingay mong kay sarap sa tenga Mga jeepney mong nagliliparan Mga babaeng mong naggagandahan Take me back in your arms, Manila And promise me you'll never let go Promise me you'll never let go

second song po namin ay KOKOMO... pa clap clap pa on the sides

KOKOMO by: beachboys

Aruba Jamaica ooo I wanna take you
Bermuda Bahama come on pretty mama
Key Largo Montego baby why don't we go
Jamaica

Off the Florida Keys There's a place called Kokomo

That's where you wanna go to get away from it all

Bodies in the sand
Tropical drink melting in your hand
We'll be falling in love
To the rhythm of a steel drum band
Down in Kokomo

Aruba Jamaica ooo
I wanna take you
To Bermuda Bahama come on pretty mama
Key Largo, Montego baby why don't we go

Ooo I wanna take you down to Kokomo
We'll get there fast
And then we'll take it slow
That's where we wanna go
Way down to Kokomo

Aruba, Jamaica ooo
I wanna take you
To Bermuda, Bahama come on pretty mama
Key Largo, Montego baby why don't we go
Ooo I wanna take you down to Kokomo

ang huli po naming song ay Fame by Irene Cara with matching showgirl moves... tumatambling pa ako sa ere...

what a night that was!! when food and music come together...kita mo na lang may mga ngiting naiiwan sa ating mga mukha


This page is powered by Blogger. Isn't yours?