Sunday, December 11, 2005
at GUN point
" isang pamilya patay, binaril ng isang lalaki dahil traffic"
malimit ko itong mapanood sa balita maging mabasa sa pahina ng headlines ng garyo. Nakakalungkot isipin na merong mga tao na walang iniisip kundi ang kanilang mga sarili walang pakialam kung makasakit ng iba...
Bakit kaya merong mga taong ganito? nabubuhay dito sa lupa para lang gumawa at maghasik ng lagim at kasamaan!!! bwaaaah-haha!!! *samahan pa ng kulog at kidlat* mga naliligaw na anak ng demonyo!!!! dapat sa mga ito ay then and there sinusunog ang mga kaluluwa pati flesh ang bones ano!!! hindi na dapat pinapayagan na mabuhay dito sa lupa.
habang kami ay papunta sa gateway quezon city upang manood ng sine.. *bakit pa kasi kami doon nanood ano?* ang dami namang sine dito sa malapit dumayo pa doon* paano po kasi nilabas ko ang aking mga pinsan na matagal ko na ring hindi nakakasama* anyways balik sa kwento..
un na nga habang kami ay bumabyahe sa kahabaan ng coastal road bigla na lang may nag-cut sa harapan ng sinasakyan naming FX ito ay isang blue private car. Ngayon ang siste ito namang driver na sinasakyan namin gumanti nag-cut din ang loko ngayon parang nainis ang blue car kaya mani-obra siya ng mani-obra na para bang nangkukutya at ayaw pausarin ang aming sinasakyan, nagtataka ang driver namin kung bakit ganoon ang takbo ng blue car kaya nagtake-over siya aba hindi pumayag ang blue car tinapatan niya ang aming sinasakyan at binaba niya ang kaniyang bintana at sabay dinuro ang driver namin at sabay binilisan ang takbo, nauna siya ng kaunti tapos binilisan din ng driver namin ang takbo rin niya at nauna siya sa blue car, ayaw patalo ng blue car sa pangalawang pagkakataon ang ginamit na panduro ng driver ng blue car ay ang kaniyang BARIL, tama po ang inyong nabasa at narinig, BARIL po ang kaniyang pinangtutok.
ang posisyon ko po ay nasa right side po ako ng driver na may hawak ng baril; window side ng passenger sit sa unahan, ang distansya ko lang po sa kanya ay two arms length. sa mga panahong iyon sobrang blanko lahat, wala kang iniisip kundi ang magdasal at maalis ka sa sitwasyong iyon kung pede lang with a wink of an eye mawala ka na doon at nasa isang safe place ka kaagad, alam mo iyon sobrang maliwanag pa sa isip ko ung mga panahong iyon, ang itsura ng mukha niya, ang pagkatutok ng baril, ang galaw ng aming kotse. ang bilis ng mga pangyayari, ayaw pa sanang palagpasin ng aming driver kaya lamang nagsalita na ako na kung pede ibaba niya na lang kami sa tabi at huwag na lamang niya patulan ang mamang hayop na iyon!!!, wala akong pakialam kung nasa gitna kami ng highway, basta ang gusto ko lang maibaba niya kami at maalis sa ganoong sitwasyon. nang mauna na iyong blue car nagsisignal pa ito na parang tatabi at maaring mag-abang sa malayo, buti na lamang at nagbago ang isip at humarurot papalayo, siguro nabulungan ng Diyos at pinili na lang na umalis *Lord sobrang thanks, i love you! mwah!*
nang kami ay ibaba ng driver at buti rin lang malapit na ito sa toll way, bumaba ako sa sasakyang nanginginig sa takot, kamay ko, tuhod ko, mangiyak-ngiyak pa nga ako, syempre dapat kapag ganoong emergency dapat composure ka pa rin buo pa rin ang ulirat po as in may presence of mind ka pa *naku kung bumigay ka lola kawawa ka naman kapag nagkaganun* as in sa tanang buhay ko ngayon ko lang naramdam ang ganung feeling ung takot pala na naramdam ko nung first time akong sumakay ng ferris wheel e dumi lang pala iyon sa kuko!!!
kesehodang nasa gitna ako ng tollway, malanghap ko ang usok ng mga tambucho, maging telebisyon ng maraming tao at masira ang aking poise i don't care noh!!! basta hindi ko na makita at maalis ako sa sitwasyong iyon, minsan pala ang unang mong iisipin na mailigtas ay ang sarili mo at ang kasama mo, kapatid ko pa naman ang kasama ko noong araw na iyon, malay mo maengkwentro pa nila sa ibang lugar ung hayop na kotse na iyon, hindi ko na ata iyon makakaya. nabubuhay ako ng matiwasay at masaya sa simpleng buhay ko!!!
sa aming pagbaba may dalawang pasahero ang gumaya sa amin. at ang aking kapatid naku mahihimatay at sabi niya sa akin naninigas na raw ung mga daliri niya tapos hindi na raw niya nararamdaman ang kaniyang mga paa, sabi ko safe na tayo, stay calm tapos first aid ang drama ng lola mo pinaupo ko siya with her head in between her knees tapos sabay opening and closing of her hands un nakatulong. importante talaga na buo pa rin ang loob mo kasi kung hindi malamang wala mangyayari sa aming dalawa, minsan you have to stay strong para ang iba may source of strength na pede nila sandalan.
at naging milestone ito sa buhay ko. ang maka-meet ng isang nilalang na kabilang sa lahi nila.Pede na then and there that driver can pull that trigger without hesitation kasi ung scenario namin hindi siya traffic fast flowing konti nga lang ang mga dumadaang mga sasakyan, walang by standers, walang witness malaya niyang magagawa ang kaniyang naisin. hindi ko alam am i at the wrong place at the wrong time? o isa itong pagsubok na bigay ng Diyos para matingnan kung gaano katatag ang aking pananampalataya? syempre ang tanging naalala ko sa mabilis at maikling pangyayaring iyon ay ang aking mga mahal sa buhay at si LOrd na nawa'y kami ay patnubayan at ilayo kami sa kapahamakan. masasabi ko na sa lahat ng mga nararanasan ko na mga pagsubok na bigay Niya sa buhay natin, hindi ko kayang bumitiw sa aking faith, mas nagiging mahigpit pa ang aking mga hawak sa lubid ng pananampalataya.
hindi ko makakalimutan araw na iyon dec 4, 2005 sunday around 12 noon, na iniisip ko kung iyon na ba ung araw na pede na ako pumunta ng heaven? iyon na ba ung last moments ko here on earth. matapos ang ordeal na iyon, marahil hindi ko pa panahon, marahil marami pa siyang gustong ipagawa sa akin, marahil marami pang mga tao ang magiging parte ng buhay ko, marahil marami pa rin akong maibabahagi sa iba na makakatulong sa buhay nila.
"maraming salamat po Panginoon sa walang sawa mong pakikinig sa aking mga dasal, maraming salamat po sa walang katapusang pagpapatnubay at pagbabantay sa aking pamilya at sa lahat ng mga mahal ko sa buhay maging ang mga taong nakapaligid sa akin at pati rin po sa mga taong kasama kong nagdarasal. AMEN"