Thursday, July 06, 2006

 

the reason of my existence

kung panaginip lang ito ayokong magising... 3 years ang tagal noon puro boses lang ang naririnig.... hindi ko mahawakan, hindi ko nakikita... sa wakas natupad din ang isa sa mga dinarasal ko na sana matuloy na ang pagkakataon na kung saan magkikita kaming muli... Ang bait talaga ni Lord binibigay Niya ang mga bagay na sinisigaw ng puso mo... Thank you po! I love you talaga! Nagkita na nga kami for the first time in 3 years... July 4, 2006 10:30 a.m, NAIA ang tagal ng paghihintay... nang masilayan ko ang kaniyang mukha sa telebisyon na ipinapakita kung sino-sino na ang mga dumarating dito sa ating lupang sinilangan... dali-dali akong bumababa at pumunta sa kanilang kinalalagyan... niyakap ko siya kaagad... mahigpit sobrang higpit... pinantayan ko ang tagal ng tatlong taon... parang tumigil talaga ang oras... ang sarap ng pakiramdam na maramdaman ang yakap niya... ang mga halik niya... masilayan ang kaniyang mukha... makita ang kaniyang mga ngiti... bawat luha ng kaligayahan ay sobrang naguumapaw sa sabik namin sa isat-isa... I love you ma! ang tanging kong nabanggit... i love you! i love you! i love you!... sobrang saya ko ngayon hindi mapapantayan ng kahit na ano... kung puwede nga lang tumabling sa ere gagawin ko... alam ko sandali lang ito... pero susulitin ko... darating rin ang araw na hindi na ito magiging isang panaginip... magiging totoo na... magtatagal na...

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?