Tuesday, March 01, 2005
nakakamiss...
Nakita ko ung mga pictures ko nung student pa ako. Nakakatuwang balikan ang mga panahon na kung saan wala kang iniintindi sa buhay kundi ang pumasa at humingi ng baon. Nung student pa ako ang tanging iniisip ko ay matapos na itong paghihirap ko, pumasa at mag-graduate at magkaroon ng trabaho. Ang dami ng nangyari. Graduation, pumasa ng boards at nagkaroon ng trabaho. Nakamit ko na ang isa sa marami kong mga mithiiin sa buhay. Haaayyy!!! how time flies sabi ni nila!, Nakakatuwang isipan na dati akala ko hindi ako matatapos, 5 years ang tagal noon, mahirap pero kapag iniisip mo ung mga mahal mo sa buhay okey lang tuloy ka pa rin. Naghanap ako ng trabaho first taste of reality. Ang hirap pala! marerealize mo ang lahat ng bagay bagay, babalik ka ulit sa nakaraan, reality check!. Marami akong nakikitang estudyante sa mall, sabi ko sa sarili ko ano ang ginagawa nila dito may pasok ha?!, mag-enjoy kayo hanggang estudyante pa?! dahil ako sobra.... NAKAKAMISS..... ang maglakad sa ilalim ng puno sa lasalle dasma. ang umupo at tumambay sa mga kubo. ang magpa-aircon sa library. ang kumain sa labas ng campus, square canteen(sizzling) , sa la comida at ang canteen na katabi ng bookstore. ang umupo sa ilalim ng mga puno sa rotonda. ang mga hallway ng classrooms ang maglakad sa pagkakalawak-lawak na campus ang magsuot ng puting blouse at green na pantalon ang minsang pagsuot mo ng mga baduy na kasuotan kapag washday ang mahuli ng mga DO na paikot-ikot ang malimutan mo ang i.d. mo at makiusap sa guard ang magpa-type sa mga computer centers kapag may deadline projects ang dumaan sa kadiwa, malayo ka pa lang alam mo na kadiwa un! ang kumain ng kwek-kwek at cheese corn sa tapat ng gate ang makita at makausap mo ang mga paborito mong mga professors. ang maghintay ng matagal sa susunod mong subject dahil 2 oras ang free time mo. ang makisabay sa mga friends mong may car papunta sa klase ninyo o di kaya magsayang lang ng gas at umikot-ikot sa loob ng campus, wala lang pampatay lang ng oras. ang magkaroon ng cancelled class kasi absent or may meeting ang teachers mo at kapag 30 mins late sya. ang walang kamatayang mga projects na hindi ko ginagawa on time kaya ako ang tinatawag na cramming queen! ang mag-dorm... ang magpa-cute.. Sana estudyante na alang ako ulit....