Friday, April 08, 2005
ang sarap maging bata ulit...
- langit at lupa
- monkey monkey
- shake shake shampoo
- taguan
- agawan base
- patintero
- matataya-taya
mga larong hindi ka pagpapawisan:
- lutu-lutuan
- bahay-bahayan
- teacher-teacheran
- ofis
- doktor-dokturan
- barbie (kaya lang wala akong barbie noon, kaya borrow na lang sa cousin ko)
- jack stone
- pick-up sticks
mga larong pagpapawisan ka:
- piko
- shato
- jumping rope
- ten; twenty
- chinese garter
- tamaang tao
- laro sa lata (nakalimutan ko na ung name)
laman ako ng kalye, minsan hapon na nga ako umuuwi, alam mo un ang baho-baho mo na pero okey lang tuloy pa rin ang ligaya, hindi mo iniinda ang init ng araw, ang malagkit na feeling dahil puno ka ng pawis atsaka ung amoy mo kakaiba, ang alikabok na nakadikit na sa balat mo, magulo ang iyong buhok at madumi ang iyong damit, nanlilimahid ang iyong mga kuko sa kamay at paa dahil puno ng lupa sa kakatakbo mo o di kaya sa pagsuot-suot mo sa tabi-tabi.
ang saya naman, tatawa kayo ng tatawa, minsan din naman iiyak ka dahil nadapa ka o di kaya nag-away kayo ng kalaro mo.. sasama ang loob mo dahil hindi ka pinayagan lumabas... maiingit ka dahil hindi pwede lumabas dahil may sakit ka... ang sarap balikan ung mga panahon na naliligo ka sa ulan kasama ang mga kalaro mo, kahit na nakahubad pa kayo lahat okey lang walang pakialamanan tanda ng inyong kainosentehan.. hala sige tampisaw dito tampisaw doon.. gagawa kayo ng bangkang papel at ipapaanod ninyo ito sa canal... wala lang gusto ninyo lang na panoorin ito hanggang mawala ito at tuluyan ng lumubog.. hindi ninyo napapansin ang mabahong amoy nito basta makita ninyong tinatangay ito ng agos ng tubig.. iba ung saya na nararamdaman mo... it feels good inside...
wish ko lang bata ako ulit... para wala kang iniintindi.. malaya kang gawin ang naisin mo.. hindi n kailangan na magisip ka pa kung tama ba ang ginagawa mo hindi.. marami kang mararanasan na sakit pero okey lang kasi lilipas din un.. konting hipan lang ni mama... okey na payapa na ang lahat... mga simpleng gawain tulad ng pagkahilig mo sa mga stories ni cinderella, snow white, sleeping beauty.. sa walang sawang panood mo ng batibot at sesame street... sa walang sawang paglikha mo ng mundong puno ng kulay at lahat doon masaya walang lungkot.... its your escape from reality... sobrang simple ng buhay mo kapag bata ka... sana parating ganito di ba... mmmmm!
sa pagdaan ng panahon.. marami pagbabago ang nangyayari... unti-unti mo ng iniiwan iyong kamusmusan... pero sana patuloy pa rin na magkaroon ng lugar ang dating simpleng buhay na ito sa bawat isa sa atin... masarap maging bata ulit...