Wednesday, April 27, 2005
anu kaya itsura ng magiging anak ko....
nakakatuwang isipin na minsan nangangarap rin ako na ma-imagine na panu kaya kung may anak na ako... kasing cute ng mga students namin ngaun kasama ang kakulitan and all.... lalo na ngaun may patient ako na 4 month old.... haaayy! ang sarap ng amoy ng baby... tapos samahan mo pa ng mga nakikita ko sa mga mall lalo na kapag nasa stroller sila o di kaya karga ng daddy at mommy nila naku hindi ko makuhang hindi tumingin... parang gusto ko ng magka-anak... wait ako ba itong nagsasalita!!! mmmm.... earth calling kathy! earth calling kathy!!! ooopps... esep! esep!... sa hirap ng buhay ngaun wag na muna siguro ipon muna ako para naman ready akong ibigay sa mga anak ko ang mga kailangan nila hindi na ko kailangan humingi sa mabubuti kong parents... di naman nila matitiis eh... hihihi... at nakalimutan ko pa pala panu ako magkaka-anak kung walang "daddy" un hanap muna ako... wait lang tingin muna ako sa tabi-tabi... baka sa ilalim ng lupa meron.. joke... aaahhh. alam ko na sa department store kaya....charing! wish ko lang na ganun kadali sana nabibili lang sila sa tabi-tabi para hindi na ko mahirapan tapos pag-ayaw muna pede lang itapon.... hahahaha... joke lang!!! syempre hintay lang ako ng para sa akin ung destined para sa akin ung bigay ni Lord... kung meron man maraming salamat... kung wala okey lang... mag-aampon na lang ako... kahit walang asawa basta may anak ako.... un na un!
***
i really love kids... ito na ata ang calling ko talaga ang mag-alaga ng mga angels dito sa lupa... ang cute nila tingnan... ang sarap nila kausap... makukulit pero nakakatuwa... meron silang mga sinasabi na wala na mang ka-sense-sense pero sasakit ang tiyan mo kakatawa... yan ang ginagawa ko buong maghapon... ang sabayan ang kanilang munting mundo... alam mo masarap ang feeling magaan sa buong pagkatao... ang simple kasi ng mundo nila... sana simple rin lang ang akin...
***
ano kaya ang itsura ng anak ko? anu kaya? naaliw kasi ako sa mga cute na bata... meron kaming isang student super cute, bibo, matalino at madaldal... take note english sya kung magsalita... sana anak ko din ganito... kapag napapaisip ka sa future mo lalo na kapag mauuwi na ito sa pagkakaroon mo ng sariling pamilya... masyado akong dreamy... maraming idealism... maraming gusto...
***
4 ang gusto kong anak... kung papalarin two boys and two girls... magandang pagmasdan ang mga makukuha kong pictures nila... mula pagka-baby hanggang paglaki nila... syempre sa bawat picture na iyon dapat kasama ako o di kaya ang daddy nila... sobrang love ko ang mga pictures kaya naman every moment na dapat i-treasure ay may picture ako kahit na ordinary araw lang iyon... maging sa loob ng kwarto o di kaya sa likod ng bahay dapat meron akong kuha... at pagmamasdan ko ito mula pagka-develop hanggang matutulog na ako sa gabi... mas lalo pa sigurong itatabi ko ito sa akin kapag mga pictures na ng mga anak ko...
***
ewan ko ba meron lang siguro akong tendency maging full-time mom... kasi i was brought-up in an environment where there is a strong family ties... sobrang importante sa akin ang family... super love ko sila... lahat ng gagawin ko para sa kanila.... kasi idol ko ang mom ko pati lola ko panu ung lola ko kahit na matanda na siya tapos ung mga anak nya may sarili ng mga pamilya andyan pa rin sya tinitingnan pa rin nya ung welfare ng mga anak nya... gusto ko hands-on mom ako... lahat ng oras andyan ako sa tabi nila... sa lahat ng developmental milestones na dadaanan nila kasama ako hanggang kahit sabihin nila na hindi na nila ako kailangan... go pa rin... i think groovy akong mom medyo iibahin ko lang ng konti ang style ng pagpapalaki sa akin ng mom ko... strict kasi sya and super thankful din ako at naging ganun sya dahil hindi naman ako magiging ganito kung hindi sa kanya.... na iintindihan ko sya ngaun kasi lahat ng mga pangaral nya para sa ikakabuti ko kahit minsan feeling hindi na tama... na kaya ko na gawin ang isang bagay... minsan mare-realize mo in the end tama pa rin sya... kapag nakakabalita ako ng mga highschool batchmates ko na maaga nag-asawa hindi nakatapos ng college ung iba college na hindi nakatapos tapos makikita mo sa itsura nila na hindi na nila priority and sarili nila tapos ung iba naghihiwalay ng maaga dahil hindi pa sawa sa buhay single kaya naman pinagmumulan ng conflict... kaya ako hindi naman ako nagsasalita ng tapos pero pede naman na hindi mo gawin un dahil parating choice mo un kaya sa lahat ng gagawin mo maging responsible ka sa lahat ng mga mangyayari sa iyo ikaw ang magsasagwan ng sarili mong bangka kung saan ka mapunta doon mo ginusto..
***
sabi nila swertehan lang sa anak kasi naman meron mga anak hindi pinapahalagahan ang mga magulang nila... well hindi ko masisi ang iba baka naman may pagkakamali rin ang mga magulang kaya nagka-ganun... sana maging mabait ang mga anak ko sa akin katulad ng pagiging anak sa mgulang ko.... hindin naman sa pagmamalaki eh hindi ako naging sakit ng ulo ng parents ko.. pray lang ako lahat naman un galing sa Kanya.... kaya lahat itinataas ko...