Monday, June 20, 2005

 

maraming salamat ITAY!

maraming salamat dahil binigay ka sa akin ng Poong Maykapal...
isa na ako sa pinaka-swerteng babae sa buong mundo ang bigyan ng isang biyayang katulad mo...
iniisip ko paano ang buhay kung wala ka? hindi magiging makulay ang maliit at simple kong mundo...
dahil ikaw lamang ITAY ang bumubuo ng aking mundo....
ikaw ay parating nandyan kapag kailangan kita...
nakikinig sa aking mga problema...
mga payong ibinibigay mo sa akin na hindi ko sinusunod pero sa huli ikay tama...
salamat sa walang sawang pagbibigay sa amin ng aming mga kailangan....
kahit na alintana ko ang iyong mga pagod at sakripisyong binubuhos mo sa pagtatrabaho para lamang mabigyan ng laman ang ating hapag-kainan....
tinitiis mo ang hirap at minsang panghinaan ng loob dahil malalawak na dagat ang layo natin sa isat-isa...
na sana'y parati ka naming kasama at nandito ka sa aming tabi mapagtapos mo lamang kmi sa pag-aaral...
dahil sabi mo ito lamang ang kayaman na kaya mong ibigay sa amin na hindi pwedeng nakawin ng kahit sino man...
ngayong ako ay malaki na at unti-unti na ring natutupad ang aking mga pangarap....
sa iyo ITAY inaalay ko ang lahat ng aking mga tagumpay at kung saan man ako mapadpad...
patuloy kong ibabalik sa iyo ang lahat lahat na binigay mo sa akin....
dahil kung wala ka wala rin ako dito sa mundo....
MAHAL NA MAHAL KITA ITAY!!!!....

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?