Tuesday, June 14, 2005
summer escapades
wow milestone ito! and makapunta sa puerto galera for the first time in my life! oo naman its about time to explore the world and lets start from here sa ating sariling bansa...
ang ganda ng lugar...
ang sarap ng simoy ng hangin...
ang linaw ng tubig...
ang puti ng buhangin...
nakakita kami ng dolphins na nakikita ko lamang sa telebisyon parang nakikipagkarera sa takbo ng aming bangka... ang sarap pagmasdan ang mga likha ng Diyos... iniisip mo at nagpapasalamat ka sa mga buhay na nilikha at binigay Niya at isa ka sa mga ito na nabuhay dito sa mundo...
kapag nasa tabi ka ng dagat at ikay nakakapag-isip kung anu na ang nangyayari sa iyong buhay... nagkakaroon ka ng time para sa sarili mo at marerealize mo ang maraming bagay... nakikita mo at naririnig ang hampas at galaw ng alon na nagpapa-alaala ng iyong mga kahinaan at kalakasan, nararamdaman mo ang lambot at unti-unting paglubog ng iyong mga paa sa buhangin na nagpapa-alaala na kung saan tutungo ang iyong buhay at ang masarap na dampi ng malamig na hangin sa iyong mukha na nagpapa-alaala sa iyo ng mga mahal mo sa buhay at higit sa lahat parang napakalapit mo sa Dakilang Maykapal nangugusap na ikay parating bantayan at patnubayan sa paglalakbay nitong ating buhay...
hindi ko makakalimutan ang 2 araw na iyon ng aking buhay kasama ang mga importanteng tao sa buhay ko... kasama ng pagsikat ng araw ang aking mga alaala at ang tanging maiiwan ay ang mga larawan ng kahapon na magpapaalaala sa akin na ako'y nabubuhay dito sa mundo...