Wednesday, May 25, 2005
ang lovelife...
love comes from God was fullfilled through Christ nurtured within me and shared with you
**napagusapan namin ito ngaun...
minsan ito talaga ang pinatutunguhan ng usapan lalo na kapag may kasamang alak at pulutan sabayan mo pa ng senting music... let the ball rolling...
**
kapag bata ka pa ang topic ninyo ay tungkol sa mga cartoons at laro...
**
kapag grade school ka na ang topic ninyo ay mga crushes, kung anu ang uso, mga tsismis...
**
kapag highschool ka na ang topic ninyo ay boyfriend/girlfriend, kung anu ang course ang kukunin mo, mga kaartehan para sa mga babae sa mga lalaki di ko alam...
**
kapag college ka na ang topic ninyo lovelife din pero mas focus sa career, kung anu na ang mangyayari sa iyo after college...
**
kapag graduate ka na ang topic ninyo ay kung paano humanap ng trabaho, saan makakakuha ng pera...
**
kapag nagkatrabaho ka na ang topic ninyo mga reklamo mo sa work, in short puro work ang daloy ng pag-uusap ninyo...
**
kapag katulad mo na ako tapos na sa pag-aaral at nagtatrabaho na lovelife ang patutunguhan ng usapan ninyo...
**
feeling ko kasi ito na ung kasama ng pagtanda mo... kasi established ka na... wala ka ng iintindihin pa... ito na ung dapat meron ka... di ko naman sinasabi na mandatory ito noh... parang balanse na ang buhay mo kapag may minamahal ka...
**
lovelife... lovelife... at lovelife... ito po ang tanung ko sa aking sarili ito rin ang kalimitang tinatanung sa iyo kapag may nakita ka na kabarkada, kaklase mo noon ang bugad na tanong "musta lovelife mo?"...
**
musta nga pala lovelife ko?
hmmm... ah basta masaya maging single!... isang malaking at maraming PERIOD (bitter-bitteran ayaw sagutin ang tanung)
pagdating sa lovelife isa akong rookie indi naman ako clueless pero sabi nga nila its better to have an experience... member and lola mo sa NBSB club... ewan ko ba isa ata akong insect repellant na tinubuan ng tao... lahat sila hindi lumalapit sa akin... siguro isang factor din na iba ang perception nila sa akin... sabi ng ibang tao (at mga lalaki po sila) mukha daw ako serious, suplada, hindi accomodating... (hmp! hindi lang po sila nagkakalakas ng loob na kilalanin ako) kasi naman ako ung type ng person na dapat mong kilalanin muna bago mo ako maging close... and kapag ayaw ko ayaw ko talaga... hinahanap ko kasi ung spark, ung attraction, ung parang nasa isang level lang kayo, parang kapag magkasama kayo all is well!
**
speaking of attraction... nangingiti ako kapag naiisip ko sya... infairness na attract din naman ako at sya ung unang guy that i would say i let my guard down... kasi guarded ako when it comes to emotions ayoko na magkaroon ng emotional connection... kasi natatakot ako masaktan... and because of that "nasaktan" marami akong lessons learned...
my lessons learned about this thing called love...
- sabihin mo ung feelings mo para mas clear so that you will know where you stand...
- gawin mo ung gusto mong gawin na dinidikta ng puso mo (corny pero totoo) parang kung sakali mang hindi magwork-out between the two of you na gawa mong lahat nasabi mong lahat walang kang regrets... nagmahal ka kaya okey lang un... naniniwala ako na magiging para kang tanga alam mong mali pero gagawin mong tama dahil un ung tingin mong makakapagbigay sa iyo ng sense of peace...
- maniwala ka sa dikta ng puso at isip mo wag kang maniniwala sa dikta ng iba kasi mas maganda na napatunay mo sa sarili mong mali ka at nasaktan ka kaysa sa wala kang ginawa at hinayan mong parang wala lang sa huli na ang iblame mo rin sarili mo...
- masakit sobra darating ka sa point na ung mundo mo parang blur lahat, hindi mo alam kung saan ka magsisimula, parang wish mo na sana hindi na lang sya naging part ng buhay mo dapat hindi naging complicated ung mundo mo dati nabubuhay kang mag-isa hindi ka nagexpress ng ibang klaseng feelings tapos bigla na makakaexperience ka ng mga ganun bagay may nagsisimulang magcare sa iyo, tapos ibibigay mo rin ung feelings na nararamdaman mo... tapos mawawala sya babalik ka na naman sa dati, mamimiss mo lahat ito, hindi mo kayang ibalik kasi un ung nangyari syempre wala ka namang powers para ibalik ung oras at baguhin ang lahat kasi along the way alam mo you have a share of mistakes... lahat ng mga ginawa natin talagang may consequences...
ayos lang yun... kasama ito sa paglakbay ko sa buhay... dapat talaga nararanasan mong masaktan dahil dito marami kang natutunang bagay para kapag nalagay ka ulit sa sitwasyon na ito hindi mo na gagawin ang pagkakamali mo...
**
one things for sure though "IF YOU FiND THAT SOMEONE THAT MAKES YOU HAPPY, TREASURE IT AND JUST LET THE TIME TAKE IT AWAY"
**
i thank the Lord that he gave me the oppurtunity to have that SOMEONE in my life so that i could tell myself what a wonderful feeling of how to care and be taken cared of, to LOVE and to be LOVED...
**
di ko lang alam kung ganito rin ba ung na feel nya para sa akin... will never know? won't we?