Sunday, May 22, 2005
reflections of a therapist...
tawag nila sa akin teacher... o di ba teacher ako... magiging parte ako ng buhay ng isang tao na alam ko i would nake a difference sa buhay niya... para sa akin sa araw-araw na tinitreat ko sila... makita ko lang na magtaas ng ulo kahit sandali, ang tumagilid mag-isa, ang matagalan ng kaunti ang pagdapa... iba ang euphoria na dulot sa akin nito... parang dinadala ako sa alapaap... hindi mo man makita ito ngaun pero kapag nagdaan ang panahon... makita mong tumatayo mag-isa, naglalakad, nakangiti... magsasabi syo ng "thank you teacher" bale-wala ang pagod mo, bale-wala ang sakit ng likod mo, bale-wala ang tagaktak ng pawis mo at bale-wala ang pagkakasakit mo... kasama ng pagtawa mo at pagmamahal mo sa kanila... ang magtuturo sa iyo kung anu ang buhay ang mga matutunann mo sa kanila... lahat ito nagpapatibay sa iyong paniniwala sa sarili, sa iyong kakayanan at sa mga marami mo pang kayang gawin sa tulong ng isang TAO sa KANYA na inaalay mong lahat lahat...