Sunday, September 18, 2005
sa tindahan ni tita carmen
- merong mga sosyalera
- merong mga fashionista
- merong mga wala atang alam pagdating sa paglalagay ng kolorete sa mukha
- merong mga walang ginawa kung hindi ang makipaghuntahan pagdating hanggang pag-uwi
- merong mga ayaw makipagkwentuhan garyo lang ang hawak
- merong mga may sariling mundo
- merong mga sinasabing productive mom walang ginawa kung hindi ang magcross stitch buong maghapon
- merong mga anti-social
- merong mga new-age kung tawagin kahit na may edad na batang-bata pa rin ang dating
- merong mga seksi, mataba, mukhang bata at matanda
Kahit na may mga sari-sarili silang mga karakter, iisa lang naman ang dahilan kung bakit sila nagpapakapagod araw-araw na maghatid at magsundo, magprepare ng baon, ng mga kailangan natin sa eskwela at kung anu-ano pa. Ito ay ang pagmamahal nila sa iyo at sa akin at maging sa kanilang mga asawa. Ang pagiging isang Ina ay hindi natutunan sa eskwelahan, magtraining ka man sa lahat ng puwedeng pasukan, mag-aral ka man sa lahat ng matitino at kilalang eskwelahan hindi mo ito matutuna. Wala nga rin itong crash course na kapag kailangan mo lang at mag-enroll ka pagkatapos ng buwan may certificate ka ng makukuha. Naniniwala ako na ang pagiging isang Ina ay isang bokasyon na dapat handa kang gampanan ng buong puso at walang hinihintay na kapalit, ito ay isang malaking sakripisyo na kaya mong dalhin sa iyong buong buhay at pagkatao hindi ito isang role lamang sa pelikula na kung ayaw mo puwede mong palitan hindi rin ito parang kanin na kapag na paso ka puwedeng mong iluwa. Ito ay pinaghahandaan at pinag-iisipan ng mabuti kung talagang kaya mo na ibigay ang buong buhay mo para sa iba. Kaya para sa mga babae na katulad ko hinay-hinay po tayo pag-isipan ang bawat naisin nating gawin hindi lamang puro emosyon ang gamitin baka ang isang gabi ng ligaya ay mauwi sa habang buhay na sakripisyo na ikaw lamang ang puwedeng gumawa at wala ng iba.
Pagkatapos ng maikling tagpo sa kwento ng buhay na pinagbibidahan ng ating mga nanay. Tumungo naman tayo sa istorya ng ating mga kasamahan sa bahay. Na pinagbibidahan nina ate, nemfa, jurella, inday, simang...
Sila ang mga taong nagtyatyaga sa atin na tumulong sa pang-araw-araw na gawain sa bahay. Kung wala sila malamang losyang na losyang na ang ating mga ina. Sila ang kumukuha ng lahat ng trabaho na hindi na kayang gawin ni Inay o hindi talaga niya alam gawin. Tapos sasabayan pa ng pag-aalaga ng hindi naman nila anak, biro mo iyon minsan halos sila na ang pagpalaki sa iyo at sa akin dahil ang ating mga nanay at tatay ay nasa trabaho. Sila na minsan ang tumatayong nanay at tatay mo kapag ang iyong mga magulang ay nagtatrabaho at naiiwan ka sa kanya sa buong buhay mo. Syempre dahil siya ang kasakasama mo sa buong magdamang mas kilala ka pa ni ate, nemfa, jurella, inday at simang kaysa sa nanay at tatay mo kung ano ang gusto mo, kung bakit ka umiiyak, ano ang nakakapagpasaya sa iyo, ano ang paborito mong pagkain, damit, pinapanood sa t.v. maging kung ano ang nagpapasakit ng tiyan mo at kung bakit matigas o malambot at tae mo. Araw-araw na ginawa ng Diyos pinagsisilbihan ka nila. Hindi makapagreklamo kasi nga naman ito lang ang natatanging paraan para mabuhay nila ang kanilang pamilya. Kaya naman nakakalungkot isipin na merong mga maiitim ang budhi ang nang-aalipusta sa kanila, sinasaktan, tinatratong parang mga hayop, inaabuso maging pinapatay. Hindi ba nila iniisip na kung wala ang mga kagaya nila hindi gagaan ang mga gawain ni inay, walang magbabantay sa mga anak na ang mga nanay at tatay ay kailangan kumayod, walang aagapay sa pang-araw-araw na gawain. Oo nga mayroon ding mga katulong na masama rin ang ipinakikita sa kanilang mga amo hindi rin natin sila masisi kasi mayroong mga dahilan kung bakit sila nagkakaganoon. Siguro maganda na ibahin natin ang konsepto tungkol sa kanila, itrato natin sila hindi bilang mga katulong bagamat mga kasama natin sa bahay, miyembro ng pamilya hindi lang basta sinusuwelduhan natin sila ay puwede na natin gawin ang naisin natin gawin nakakalimutan natin na sila rin ay isang indibidwal na may mga pangagailangan at karapatan huwag nating abusuhin. Mabuhay ka ate, nemfa, jurella, inday at simang kung wala kayo malamang hindi ayos ang mundo ko.
Sa mga kwentong napanood highest grossers ito sa takilya dahil ito ay sumasalamin sa ating tunay na buhay na patuloy na iikot, na patuloy na makakapagbibigay sa atin ng aral, na patuloy na makapagbibigay sa atin ng inspirasyon na mabuhay...
sarap tumambay sa tindahan ni tita carmen... sama ka!...
Wednesday, September 07, 2005
tagaytay trip
reminiscing to the max naman ang lola mo. Paano kapag na announce na walang pasok, wooohooo! diretso kaming ng tagaytay at strolling to the max ang drama... ang pacoffee-coffee sa starbucks tagaytay iba kasi ang ambience doon malamig tapos ang ganda ng view habang umiinom ka ng mainit na kape. MTV ang dating o di kaya isang commercial sa t.v., hahaha! all the kalokohan together.
Nagkasundo po kasi ang barkada na every first saturday of the month magsisimba together. First stop po ang Pink Sister sa Tagaytay. Doon kami unang sumaklolo para sa aming nanalapit board exam. Walang impossible sa Diyos sobrang living proof ako dyan. Syempre dapat sa kanya tayo unang humingi ng tulong kasi sa Kanya naman nagmumula ang lahat at Sya rin ang nakakaalam kung kailan Niya ito ibibigay sa iyo. Bumalik ulit kami doon upang magpasalamat sa mga biyayang aming natatanggap ngayon para sa aming mga career at mga personal na hangarin sa buhay. Usal ng pasasalamat sa lahat na ginawa Niya para sa akin, sa walang sawang pakikinig sa aking mga dasal at sa walang sawang pagpapatnubay kung saan man mapunta ang aking mga paa.
Pagkatapos po noon direstso kami for a dinner at leslies restaurant... Food galore ang trip, ayun order ng food.. masarap ang food and ang service okey naman po pero sa rating ko kasi ung order namin na bulalo na house specialty nila hindi masyado masarap katulad nung kinainan namin na resto sa may Silang, Cavite na pag-aari ng isang naming batchmate doon talaga sobrang sarap ng bulalo so far wala pa tatalo sa bulalo ng GLO-Ann's, tapos ung order naming sizzling pusit na appetizer nila mas masarap pa rin ang pusit ng Gerry's grill credit for their service i give them 8 spoons, 1-lowest and 10-highest. Meron po silang kumakanta pumupunta table by table parang sa Singing Cooks and Waitress, patapos na kaming kumain ng dumating sila sa table namin 3 songs ung puwede na i-request ang first na request namin ay ung Manila..
80's backtrack tayo... hehehe;o) halatang matatanda na
Habang tinutugtog ito sabayan ng pa-sway sway ng katawan at pitik ng mga daliri ;o)
Manila
by rene garcia/dennis garciaMaraming beses na kitang nilayasan Iniwanan at iba ang pinuntahan Parang babaeng mahirap talagang malimutan Ikaw lamang ang aking laging binabalikan Manila, Manila I keep coming back to Manila Simply no place like Manila, Manila I'm coming home
I've walked the streets of San Francisco
second song po namin ay KOKOMO... pa clap clap pa on the sides
KOKOMO by: beachboys
Off the Florida Keys There's a place called Kokomo