march na naman... panahon ng pagtatapos... pagtatapos ng isang yugto ng buhay mo... ang paglisan sa mundo ng mga libro, bag, notebook, ballpen, baon, chalk, blackboard, mga pagsusulit at pag-gising sa umaga upang pumasok araw-araw sa eskwela... dumating din sa buhay ko ang pagkakataong ito... ang tagal kong inintay limang taon... ito na ang huling panahon kung saan makikita ko ang aking mga classmates, teachers at friends... pagkatapos nito sabay-sabay kaming sasabak sa totoong mundo.... nakakatakot... mahirap...
pinaghahandaan mo ang araw na ito.... lahat ng gamit mo bago mula sa damit at sapatos na isusuot mo... lahat ng tao maganda... syempre sino ba naman ang may gusto ng pangit sya... gusto mo naman makita ang mukha mo na maganda pa rin after 30 years na kulubot na rin di ba... kasama mo rin dito ang mga importanteng mga tao sa buhay mo... maging ito man ay boyfriend o girlfriend mo, mga kaibigan, buong kamag-anak nyo at mga dating classmates mo at syempre pa ang iyong pamilya na nandiyan upang magbigay walang sawang suporta at pagmamahal maging ito man ay iyong tagumpay o kalungkutan... sila ang nagbibigay sa akin ng lakas at inspirasyon.... kapag nagmamartsa ka na sa harap ng maraming tao feeling ko ang yabang-yabang ko na, iba ang pakiramdam kapag nakikita mo ang mga ngiting naidudulot nito sa mga mahal mo sa buhay... euphoric ika nga... di mo alam kung saan nanggagaling ang lahat ng nararamdaman mo...masaya, malungkot, nakakakaba at kung anu-ano pa... feel the moment when it last... ang sarap pakinggan kapag sabay-sabay ninyong inaawit ang alma mater song ninyo... parang iisa ang nais ninyong ipahatid... salamat sa lahat ng mga ibinahagi ninyo sa amin... parang nakamit mo na ang isa sa mga naisin mo sa buhay... self-fulfillment kahit sandali lang.... kahit ngayon lang...
magpapaalam ka na sa bahay mong kinagisnan na naghubog sa iyong pagkatao... sa mga kamag-aral mo at mga kaibigan mo na naging bahagi ng buhay mo at nakapagbago o nakapagbahagi sa kung sino ka ngayon... sa mga alaala na kapag binalikan mo ay may ngiting mamumutawi sa iyong mga labi.. haaay! palam na....
lahat nagpapa-picture, lahat mga nakangiti... marahil ito lamang ang maiiwan sa iyo maliban sa mga alaala na iyong babalik-balikan pagkatapos ng mga paalam, tawanan, iyakan at yakapan...
# posted by me myself and I @ 3/03/2005 03:05:00 AM