Monday, July 25, 2005

 

hanggang ngayon....

hanggang ngayon...
nasa isip pa rin kita ... hindi kita makalimutan ... ikaw pa rin ang isinisigaw ... ng aking puso ... nabubuhay pa rin ako sa nakaraan ...
hanggang ngayon...
ang ating kwento ay laman pa rin ng aking libro ... ang masasaya nating panahon ay tanaw pa rin sa aking bintana ... ang mga haplos ng iyong mga kamay ay parang hangin na ramdam pa rin nitong aking puso ... ang iyong mga salita na nagbigay ng ngiti sa aking mga labi ay patuloy ko pa ring naririnig ...
hanggang ngayon...
mahal pa rin kita

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?