Friday, July 29, 2005

 

KAIBIGAN USAP TAYO

psssst! Oo ikaw! Wag ka ng tumingin sa likuran mo... O! titingin pa..

Alam mo ba naalala ko naman siya, na mimiss ko na naman sya. Para akong tanga! Hanggang ngayon siya pa rin. Haaay! Kailan kaya ito tuluyang mawawala. Hirap kasi nagmahal ako ng hindi para sa akin. Shet! Naku nagiinarte na naman ako!

Wala akong hang-over at hindi ako nagdrugs, wala rin naman akong sakit na para magdelirio basta na feel ko na naman itong feeling na ganito iyong tipong kakabreak ko lanG...

Haay! Naku! Nababaliw na naman ako, ang bigat kasi ng feeling, alam mo iyon parang binagsakan ka ng langit at lupa... O kita mo na to the highest level iyong intensity... Wish ko lang (tono ng GMA 7) ganito rin sana ang nararamdaman niya para sa akin pero vibes ko hindi, ako lang ang ganito, ako... ako... parati na lang ako... ngayon naiintindihan ko na kung ano feeling ni tolits... kahit minsan lang kahit isang minuto lang kahit isang saglit lang maalala niya ako... UTANG NA LOOB! (sabay luhod at nagmamakaawa)...

Alam mo ba? Super saya na ako na malaman na kahit minsan maalala niya ako (I doubt it as in sagad to the bones)... iyong mga times na we were together, waaaa! Masama na talaga ito, malamang disorder na ata ito!

Oo nga ate! alam ko meron darating para sa akin, oo nga ate! alam ko hindi siya para sa akin, oo nga ate! Nabubuhay na naman ako sa nakaraan... oo nga ate! Puro na lang ate! Ate! (Ate vi o si ate Shawi ba iyon?) confused na tuloy ako, waaa! AYOKO NA! (tono ni nora)

Pero one things for sure nag move on na ako... BOY ABUNDA: nag-move on ka na nga ba? OO NAMAN... KRIS AQUINO: is that your final answer? SURE NA!... kaya lang dumarating ka sa point na bumabalik iyong history... its all coming back its all coming back to me now (celine dions version) sabayan pa ng background music sa radyo (Mr.DJ can i make a request pede ba ung lovesong ko) hulaan mo kung ano ung music? waaaa! KAILANGAN KITA... todo na to!

Natatawa na lang ako sa sarili ko... bwahahaha! (acting na naloloka) Still hoping ang drama ng lola... ayos lang ng ganito, Boy Abunda: nasa harap mo ngayon ang mahiwagang salamin? Ano ang sasabihin mo para sa kanya? HAPPY AKO PARA SA KANYA NA HAPPY SIYA WITH HIS LIFE Kris Aquino: Correct!

Salamat! Oo sa iyo na nagbabasa nito, salamat sa pagbibigay mo ng oras na basahin itong walang ka sense sense na pageemote ko... Naway nakakuha ka ng aral sa aking munting kwento... THE END!

KAIBIGAN USAP TAYO!


Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?