Wednesday, August 03, 2005

 

love or perish?

"love or perish"-MORRIE SCHWARTZ

minsan mas nakikita ng tao ang kamalian ng iba kaysa sa sarili niya...

minsan ang tama para sa iyo mali para sa iba...

minsan mas madaling manghusga kaysa tanggapin mo kung ano siya at kung sino siya...

minsan mas madaling gawin ang tama sa paningin ng iba kaysa gawin ang tama para sa sarili mo...

minsan ang nararapat sa isang tao ay hindi nararapat sa lahat kasi lahat tayo ay may iba't ibang paniniwala na maaring tama sa iyo mali sa iba...

naniniwala ako na pagdating sa pag-ibig iisa lang ang nararapat para sa iyo at maging para sa lahat na ibigay ito ng walang hinihinging kapalit at walang hanggan...

dahil kasama ito sa buhay kung wala ito mas maigi na lang mamatay...


Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?